lalawigan sa hilagang kanluran ng Filipinas, Rehiyon I
Soviet Union (sóv•yet yún•yon)
:
Union of Soviet Socialist Republics
trade union (treyd yún•yon)
:
organisadong asosasyon ng mga manggagawa sa isang negosyo, kalakalan, o isang propesyon; na-buo upang protektahan ang mga karapatan at interes ng mga mang-gagawà.
International Phonetic Alphabet (ín•ter•ná•syo•nál fo•né•tik ál•fa•bét)
:
set ng mga simbolong ponetiko na inilaan sa internasyonal na gámit, binuo noong ika-19 siglo upang magkaroon ng eksakto at nauunawaang tumbásan sa tunog at simbolo sa isang wika
International Monetary Fund (ín•ter•ná•syo•nál mo•ne•tá•ri fand)
:
organisasyong internas-yonal na nagtataguyod ng matatag na pananalapi ng lahat ng bansa at nangangasiwa sa tinipong pondo na ipinahihiram sa mga kasaping bansa upang mapunan ang kakula-ngan sa kanilang mga bayarin
International Labor Organization (ín•ter•ná•syo•nál léy•bor ór•ga•ni•séy• syon)
:
ahensiya ng United Nations na may tungkuling paunlarin ang kondisyon ng pagtatrabaho ng mga manggagawà sa buong mundo
General Postal Union (dyé•ne•rál póws•tal yún•yon)
:
organisas-yong internasyonal na nabuo sa Bern, Switzerland at nangangasiwa sa serbisyong pangkoreo
International Date Line (ín•ter•na• syo•nál deyt layn)
:
linyang hilaga timog na naglalandas sa Pacific Ocean, una nang isang araw sa silangan nitó ang petsa sa kanluran
International Criminal Police Commission (in•tér•na•syo•nál krí•mi•nál po•lís ko•mís•yon)
:
opisyal at internasyonal na ahensiya na nangangasiwa sa gawaing pampulis ng mga kasaping bansa
International Rice Research Institute (ín•ter•na•syo•nál rays rí•serts íns• ti•tyút)
:
pandaigdigan surian ng saliksik sa palay
international standard book number (ín•ter•ná•syo•nál is•tán•dard buk nám•ber)
:
ang sampung digit na bílang, itinatakda sa bawat aklat bago ang paglalathala, at batay ang mga numero sa wika, tagalathala, at pook na pinagmulan ng aklat
Union of Soviet Socialist Republics (yún•yon ov sóv•yet sów•sya•líst re•páb•liks)
:
dáting un-yong federal ng labinlimang repub-lika sa Silangang Europa at kanluran at timog Asia na bumuo sa malakíng bahagi ng dáting emperyong Ruso; nabuwag noong Disyembre, 1991